KASET 


Beverly W. Siy 

Mahal,
'Wag mo namang taasan ang volume ng boses mo
Nagtatanong lang ako.
Dahil, Mahal, parand di mo na ako mahal.

GUsto ko sanang i-rewind ang panahon na sweet ka everyday
At gabi-gabi kung yayain mo akong magPLAY

Bakit ngayon kasing-ilap ka ng bangaw at sinlamig ng bahaw?
At parang gusto mo pang i-FASTFORWARD itong pagbisita sa akin.

Inumpisahan mo nga ang kalbaryo ko

"Pwede bang Mag-OFF muna tayo?
Ipagtatapat ko na sa 'yo
Si Aiwa ay ka-on ko."

Echong umalingawngaw ang sinabi mo 
Laking gulat ko, Mahal,
Dahil wala akong pagkukulang sa 'yo
Pero kung gusto mo na akong i-EJECT sa buhay mo,
Ano pang magagawa ko?

Kaya sinagot naman kita ng:
"Sony, gusto ko lang malaman mo,
naka-RECORD sa isip  ko ang iyong mga ngiti
Hindi kita makakalimutan.

Yon lang at tuluyan natapos ang ating kanta.

Oo nga pala,
Dahil tuluy-tuloy kang lumabas at di man lang nagPAUSE
Hindi ko na nasabi sa 'yong
Dalawang buwan nang nagstop ang mens ko.
 
Main
Next